Galaw-galaw at baka mahuli na ang lahat!

Pauna lang yan… ang ikinahihimutok ko ay yung aksidente sa karagatan ng Guimaras!
Ang barkong Solar I ay lumubog sa karagatang ng Guimaras, e ano ngayon? Sanay na naman tayo sa mga 2nd or3rd o 4th hand na mga barkong lumulubog! Oo nga sanay na tayo pero ito kakaiba!
Ang barkong solar I ay may dalang 2 milyong litro ng langis! na ngayon ay tumatagas sa karagatan! Di pa nalalaman ng ating mga otoridad kung ilang litro na ang umaalagwa sa dagat, pero kung susumahin ang pinsalang nagawa siguradong napakarami ng tumagas na langis!
Apektado na ang humigit 15 kilometriko kwadradong coral reefs, 200 kilometriko ng baybaying dagat, 1000 ektaryang marine reserves, 50 ektarya ng seaweed plantation at dalawang isla mga ng resorts! ang dami!
O ayan na nga nangyari na… pero hindi handa ang ating bansa sa ganyang trahedya. Kailangan pa nating humingi ng tulong sa karatig bansa sa Asya katulad ng Japan at Indonesia.
Sa ngayon, pinapanood lang ng ating mga otoridad ang pagtagas ng langis, puro assessment, di mag-isip ng mga paraan para maagapan ang tinatayang mahigit sa isang milyong litro pa na di kumalat sa karagatan.
Kailangan na nating kumilos habang maaga pa! hanggat di pa umaabot sa Boracay ang trahedyang ito.
Nakakabanas lang, wala tayong magawa…
Anak ng pating!
-batangkalye
1 Comments:
i feel ashamed
Post a Comment
<< Home