Thursday, January 17, 2008

Ang pagbebenta ng mga ari-arian ng taong bayan.




Kanino natin ipinagkatiwala at binigyan ng kapangyarihan upang patakbuhin ang ating bansa?

Sa Pamahalaan o Gobyerno… tama?!
Nagluluklok tyo ng mga mamumuno sa ating gobyerno sa pamamagitan ng eleksyon.

Pero nagagampanan ba nila ang dapat ay papel nila? Ang proteksyunan ang taong bayan…

Isa na rito ang pagproteksyon sa atin laban sa mga negosyanteng ganid sa pera at walang nais kundi magpayaman lamang.

Di magampanan ito ng ating gobyerno sa kadahilanang kulang sa pondo. Dahil sa kakulangang yan, kailangan nilang may pagkunan ng pondo at ang isa sa paraan ay ang pagbebenta ng mga korporasyong pag-aari natin, mga money generating company

Ang mga halimbawa na rito ay ang Power generating assests, Water system distribution company, Agricultural lands etc.

Sa aking palagay di dapat ibinebenta ng gobyerno ang ating mga ari-arian, sapagkat ito ang magiging dahilan ng ating paghihirap pagdating ng panahon.

Kapag naisubasta na ng gobyerno ang isang kumpanya, ang pribadong may pagmamay-ari ay nagkakaroon ng kapangyarihan upang itaas ang presyo nito, katulad ng kuyente at tubig. At sino ang papasan ng panibagong dagok? Syempre ang ordinaryong Juan Dela Cruz.

Ang dapat ginagawa ng gobyerno ay bumili pa nga ng mga ari-arian upang bumaba ng presyong ibinebenta nito. Ipasailalim sa CARP ang mga malalaking lupain at hatihatiin sa mga taong kumikita at nabubuhay sa pagsasaka.

Ibis na magbenta ay talagang dapat bumili pa sila, magdadala ang gayong sitwasyon ng kaginhawahan sa ating bansa at taong bayan.



Not for Sale
-batangkalye

Labels: ,

Wednesday, January 16, 2008

Preso: Gala, lumaya at pinalalaya.


Excon former President Joseph Estrada, convicted child rapist former Rep. Romeo Jalosjos, convicted killer former Rep Jose Villarosa, convicted Priest killer-eater Norberto Manero at mga convicted Ninoy assassinators.

Sila ang mga Gala, lumaya at pinalalaya.

Ano ba ang meron ang mga taong ito at sila ang pinagkakaabalahan ng mga gobyerno at media?

Sila lang naman ang mga pormineteng tao o gumawa ng krimen sa isang kilalang tao.

Erap, excon sa kasong plunder, pinalaya for humanitarian reason at para magkaisa na ang Pilipinas. Teka! kung di naman dahil sa mga pulutikong matataas ang ambisyon di magkakagulo ah.

Jalosjos, Naghihimutok dahil sa naunsyaming paglaya. Kailangan na bang talaga siyang palayain? Sa tingin ko kailangan p syang pahinugin sa kulungan, kulang pa kasi ang pagpapatupad ng parusa.

Villarosa, May sakit na nawawala? Aba! Astig… kasalukuyang nasa ICU ng MMC at di alam ng mga awtoridad. Walang komunikasyong nang yayari sa panig ng mga kaanak at BurCor.

Manero, Ilang beses ng naudlot na paglaya. Dahil sa Pari ang pinatay at naging malaking balita nabuburo saya ngayon sa Multi.

Ninoy assassinators, Hinihiling na palayain, for health concern grounds, ummm…

Ganito ba talaga ka-bulok ang Penal system ng ating bansa? Oo nga’t maraming ikonsidera bago palayain ang isang preso, pero nasusunod ba ang mga ito?

Kung ikaw ay isang preso at prominenteng tao, na may kapit sa mga pulutiko… di ka pa nagtatagal sa kulungan ibaba na nila ang sintensya mo. At di maglalaon ay papalayain. Maluwag din ang pagbibigay ng mga pribilehiyo na dapat di ibinibigay.

At sa mga ito sino ang kawawa? malamang ang kanilang mga kapwa preso na di napagtutuunan ng pansin. Maraming ng tumatanda sa kulungan na kailangan na ring palayain pero walang nangyayari, kalimitan dun na inaabot ng kamatayan.

Sa aking palagay, walang reporma sa loob ng ating mga kulungan upang magbago ng tuluyan ang mga nagkakasala. Walang mga programa ang sumasaklaw dito.

Kailangang rebisahin ang mga panuntunan upang maging epektibo ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan silang ikulong


Para sa kanilang pagbabagong buhay…



Buloklong
-batangkalye

Ang pagbabalik...

Marami na namang napapansin ang isang batang kalyeng katulad ko

I'm back!

Aytenchubow!
-batangkalye