Tuesday, September 05, 2006

Trip to US

Maraming mga kababayan natin ang naghahangad na makaranas ng magandang pamumuhay.
Ang mga Pilipino ay sana’y sa hirap at kung bibigyan ng pagkakataon upang makatakas sa paghihirap na ito, siguradong sasakmalin agad yon!

Alam nating mga Pilipino na mahirap makamtan ang kaginhawahan sa buhay sa mga panahong ito. At ang iniisip ng iba ay mangibang bansa… isa sa destinasyon na sa karamihan ay nais mapuntahan ay ang America, sa US!

Ang hangad at ang gagawin sa US?
Maging disiplinado, makapagtrabaho, makaipon ng pera, makapamuhay ng masagana at tahimik. Sa mga nabanggit! Kayang-kaya ng Pinoy yan! Yun nga lang sa ibang US at hindi dito sa Pinas!

Magkumpara tayo, pero lagyan natin ng konting twist…
Senaryo: Bibigyan ng malaking malaking malaking pera ang mga Pinoy… para makatakas sa kahirapan, destinasyon: US.

Mga Pinoy 1:
Pagkatanggap ng pera, itong mga Pinoy na ito ay walang sinayang ng sandali. Kumuha agad ng passport, nag-apply ng US Visa(nahintay hanggang sa ma-aprobahan), bumuli ng ticket sa eroplano.

At sa maikling panahon, walang paligoy-ligoy, direcho agad sa US! New York! Susyal!

Mga Pinoy 2:
Pagkatanggap ng pera, itong mga Pinoy na ito ay walang sinayang ng sandali. Kumuha agad ng passport, nag-apply ng US Visa(nahintay hanggang sa ma-aprobahan), bumuli ng ticket sa eroplano.

Itong mga Pinoy na ito, iba ang takbo ng isip… di masyadong nagmadali. Bago dumaretcho ng US(sa New York din, susyal talaga!), nag-libot muna sa iba pang bansa… (aba namasyal pa!), dumaan ng France, Australia, Japan, Singapore at kung saan-saan pa!

Mga Pinoy 3:
Pagkatanggap ng pera, itong mga Pinoy na ito ay walang sinayang ng sandali. Kumuha agad ng passport, nag-apply ng US Visa(nahintay hanggang sa ma-aprobahan), bumuli ng ticket sa eroplano.

Kakaiba itong Pinoy na ‘to, hindi nya ginamit ang passport, Visa at Plane ticket. Ginamit nya ang pera sa mas magandang pamamaraan. Sa laki ng Pera, nagtayo ng mga negosyo, nagbigay ng trabaho sa mga Pinoy, nagpasweldo ng malaki. Ginamit nya ang pera sa kumunidad, ipinaayos ang mga bahay, pinaganda ang kapaligiran, naghimok ng maging disiplinado ang mga tao.

At nagtagumpay mga Pinoy sa magandang hangarin…

Masarap umasa na darating din ang panahon at mangyayari ang ginawa ng “Mga Pinoy 3”. Dahil sa sapat na pera, nakatulong pa sila sa mga ibang tao. Napaunlad ang pamumuhay hindi lang sa kanila pati na rin sa iba.

Hindi man nakarating sa US ang “Mga Pinoy 3” sa paligoy-ligoy na kanilang ginawa… pinagmukhang New York nila ang Pinas. Naging disiplinado ang tao, nagkatrabaho, nagkaroon ng masagana at tahimik na pamumuhay.

Sana maraming “Mga Pinoy 3” pang natitira at simulan na nila ang pag-iisip sa kapakanan ng nakakarami… at pang matagalan


Sana nga
-batangkalye

0 Comments:

Post a Comment

<< Home