Wednesday, August 23, 2006

(MC)Memorandum Circular No. 108.

Isang MC ang ipinalabas ng Malacañang, ang Memorandum Circular No. 108, ngayon lng ako nakarinig ng ganito akala ko nga Malacañang Circular ang ibig sabihin ng MC e.

Ano nga ba ang Memorandum Circular No. 108?

Ito ang anak ng EO464, na nagtatatag ng mga alintuntunin sa pagdalo ng lahat ng kawani ng Gobyerno na under ng Pangulo sa mga pagdinig ng Kongreso at Senado.

Ano ang gustong palabasin ng Sircular na ito ha!? Na kayang baliwalain ng Malacañang ang kapangyarihan ng Senado? Ang dating kasi e, parang inuutusan ng mga taga palasyo ang mga senador at kongresman.

Para sa akin isa itong palatandaan ng unti-unting pagpatay sa ating demokrasya, bakit? Napipigilan ng mga ganyang sirkular ang paglabas ng katotohanan na dapat nalalaman natin, karapatan natin yun!

Sa karapatang nating malaman ang katotohanan sa mga anomalyang nangyayari sa pamahalaan, ang kongreso at senado ang tumatayong representate natin.

Oo nga, na dapat di inaaksaya ng mga senador ang kanilang oras sa mga inbestigaston IN AID OF LEGISLATION, pero kung wala sila ano ang palagay nyong mangyayari? Syempre lalong lalakas ang pag-aabuso ng mga taong walang konsensya!

Ang EO464 ang idineklara ng korte suprema ng illegal sa ilang bahagi nito, tapos narito na ngayon ang bagong tahasang pagsuway ng Malacañang… nababastos na ang mga Senado pati ba naman ang korte Suprema?


Pasaway talaga!
-batangkalye

0 Comments:

Post a Comment

<< Home