Tuesday, August 22, 2006

Ninoy Aquino killers: Presidential Pardon?

23 years nang nakakulong ang mga pumatay kay Ninoy, ngayon humihingi na sila ng Presidential Pardon katulong ang Volunteers Against Crime and Corruption(VACC).

Dapat bang bigyan ng Pagpatawaran ang mga taong ito?

Sa aking palagay di pa dapat, kasi marami pang mga katanungan na hindi nasasagot.
Katulad ng:

1. Sino ang nag-utos sa kanila? Ang Mastermind?
2. Sino ang mga kasabwat?
3. Talaga bang inaamin nila na sila ang nagplano ng pag-a-assassinate?

Upang patawarin sila, kailangan muna silang makipagtulungan sa pamahalaan at hindi si Galman na patay na ang kanilang sinisisi, ewan ko ba dito sa VACC na ‘to at kailangan pa nilang tulungan ang mga convicted killers.

Pero, hindi rin natin masasabing sila na nga, bakit? Kasi nasa under pa ni Marcos ang paglilitis ng mga panahon na yun di ba?

Kung sakaling makipag tulungan naman ang mga convicted na sundalo, magiging kapanipaniwala pa ba naman yun? Malamang hindi na, kasi nga ang matagal na panahon na ang nakalipas… PANIS na e!

Mahirap kalimutan ang mga pangyayaring nagpabago sa ating bansa, parang tinanggalan tayo ng pag-asa noong mga panahon na yun.

Sana lumabas na ang katotohanan at sana, di pa huli ang lahat… at kung sakali nga, makakamtan na natin at ni Ninoy ang hustisya.


sana nga...
-batangkalye

0 Comments:

Post a Comment

<< Home