Monday, September 04, 2006

Sabay-sabay na paglutas

Maraming tao na may krisis sa buhay at ang itinuturing dahilan ay ang kahirapan.

Kawawang “kahirapan” laging nasisisi…

Sa estado ng ating bansa sa ngayon, ano ba ang dapat gawin ng gobyerno at nating mga nagpapasulwedo sa kanila para “mabawasan” ang kahirapan sa ating bansa?

Sabi nila kailangan daw natin ng pera! Oo nga naman kapag may pera ka madali ng mabuhay ng walang kahirap-hirap.

Pero paano tayo magkakaroon ng pera?
Syempre kailangan nating magtrabaho upang kumita ng pera. Kailangan ng gobyerno na lumikha ng maraming trabaho upang marami ang magbanat ng buto.

May trabaho nga,pero mababa naman ang pasahod kulang pang pantustos sa pang-araw-araw na pangangailangan…

ano ang dapat gawin? Edukasyon!
Dapat pagtuunan natin ang edukasyon, dahil mas mataas ang pinag-aralan mas maganda ang trabaho at mas malaki nag sweldo.

Ang dapat gawin gobyerno ay makapagbigay ng magandang edukasyon sa mga tao, tustusan nila ang sambayanan upang makapag-aral.

Para matustusan ng gobyerno ang edukasyon kailangang maglaan ng sapat ng pondo, sa madaling salita PERA.

Kung susumahin nating lahat, umuikot lang ang bawat dahilan.

Pera-Trabaho-Edukasyon-Pera

May sanga-sanga pang dapat pagtuunan ng pansin.

Para makapagtrabaho ng matino kailangan ng PAG-KAIN, kailangan pa rin ng pera!
Para matustusan ng gobyerno ang lahat ng tao, kailangang masolusyunan ang POPULASYON, kailangan ng edukasyon, sa edukasyon kailangan ng pera!

Kailangan na Gobyerno ng pondo sa bawat problema, pero pano magkakaroon ng pondo kung walang buwis buhat sa mga nagtatrabaho?

Gustuhin man nating matanggal ang salitang “kahirapan” di natin ito magagawa kung isa-isa lamang ang pagtutuunan ng pansin

Kailangan ang sabay-sabay na paglutas. Yan ang silbi ng mga ahensya ng gobyerno. Pero ano ang nangyayari? Nangingibabaw ang pangsaliring intensyon sa bawat isa sa atin, kurapsyon sa gobyerno! sakim sa kapangyarihan!

Kailangan nating magtulong-tulong hindi lang pulong-pulong na walang nararating.


sabay tayo
-batangkalye

0 Comments:

Post a Comment

<< Home