Wednesday, September 20, 2006

Watch and learn…

Sinong may sabing hindi na magkakagulo sa pagpili ng pinuno sa sistemang parliamento? dahil daw sa parliamento kapag wala ng suporta ng mga mambabatas maaring palitan ano mang oras… katulad ng Argentina na nagpalit-palit ng limang pinuno nila sa loob lang ng isang linggo.

At ngayon… sa parliamentong sistema rin! Nagkaroon ng kudeta sa Thailand, pinatalsik ng Thai military si Thaksin Shinawatra.

Si Thaksin ay pinanawagan na noon na bumaba sa kanyang pwesto dahil sa mga alegasyong pag-abuso sa kapangyarihan at kurapsyon. Dahil sa kontrolado nya ang kapulungan… di sya mapalitan!

Ayaw ng santong pakiusapan… edi sa santong paspasan! May kasama pang mga tangke.
Nangyari ang take-over habang nasa New York si Thaksin at dumadalo sa isang pagpupulong ng UN.

Sana matuto tayo sa pangyayaring ito, na ang pagbalewala at pagmamatigas sa mga alegasyong di sinasagot ng mga tao sa ating pamahalaan ay may katapusan din.

Kailangang maging bukas ang adminstrayong Arroyo-Pidal o ang mga darating pang administrasyon sa mga tinig ng batikos! at kung hindi… malamang matulad sila sa mga bansang nagkakait ng karapatan sa mga tao na malaman ang katotohanan.


Kapag may simula, may katapusan din…
-batangkalye

Monday, September 18, 2006

Biyaya na galing sa bayan…

Ibinalik ng mga mambubutas este mambabatas ang 21 Bilyong pork barrel!
Nakikinikinita ko na ang mga ngiting demonyo ng mga Tongressmen na yan…

Tamang-tama naman ang panahon para ilagay ang sa 2007 budget ang 21 bilyong pork barrel ng mga “lawmakers” natin!

Ano ‘to?! Regalo sa mga saliri nila dahil di nila sinuportahan ang impeachment ni Misis Arroyo-Pidal!?

O!?

Preparasyon para sa darating na eleksyon sa May 2007? Kailangan na ba nila agad ng pondo para sa kampanya… ito e kung may eleksyong magaganap hehehe

Ang pork barrel na yan ang isa sa dahilan kung bakit marumi ang pulitika dito sa ating bansa. Kaw ba naman ang magkaroon ng pondo na kontrolado mo, aba ewan ko na lang!

Ikumpara ang NOON at NGAYON ng mga pulitiko… sobra-sobra ang pagkakaiba ng kanilang pamumuhay… di ko nilalahat ang mga pulitiko pero baka mabibilang na lang sa mga daliri ng isang kamay ang di gumawa ng kalokohan!

Kung susumahin natin, di naman talaga kailangan ng mga mambabatas ng pondo para sa kanilang constituents… dahil ilagay at gamitin lang ng matino ang pondo sa mga ahensya ng pamahalaan, napapakinabangan yon ng maayos.

At saan kukunin ang pork barrel? Syempre sa buwis ng taong bayan! ang malala pa dito kapag walang pondo, uutangin pa ng ating pamahalaan ang perang kailangan…. At tayo pa rin ang magbabayad!


Konsensya na saan ka na!? Utang na talaga…
-batangkalye



Friday, September 15, 2006

Nagkaka-aregluhan na ba?

Bago magpatuloy ang nagyaring hearing sa SUBIC rape case, nagwalk-out si “Nicole” at ang kanyang Ina sa dahilang kawalang silbi daw ng kanilang mga abogado.

Ano kaya yun!?
Talaga bang mahina ang mga abogado ng complainant o sadyang mahina talaga ang kasong isinampa nila sa mga sundalong kano!?

Kung matatandaan natin binitiwan din ng Atty. Legarda ang kasong yun… syempre may dahilan at yun ang di ko alam hehehe. Pero malamang sa hindi mahina ang kaso nila o may ibang adyenda mag-ina!

Maaari ring mangyari na nagkakaroon na ng aregluhan! Bakit? Kasi kulang-kulang dalawang buwan na lang ang natitira para tapusin ang paglilitis at kung hindi ay mababalewala ang kaso. Under Visiting Forces Agreement (VFA), kailangang tapusin ang anumang kasong kriminal na kinasasangkutan ng mga kano! At kung hindi ay mawawalan ng bisa ang kaso.

Kung papalitan ang mga state prosecutor siguradong madedelay ang paglilitis at maaring matapos ang 1 year na nakalaang hearing na walang desisyong maibibigay ang korte!

Ano ba talaga ang nangyayari sa mag-inang ito!?
Medyo malakas na nga ang laban nila tapos parang sila pa ngayon ang ayaw makipagtulungan!
Tapos ibinubunton nila ang sisi sa INCOMPETENT daw na state prosecutors! Na kung tutuusin ay nagbigay sa kanila ng malaking pabor para tanggapin at ilaban ang kaso…


I smell something malansa…
-batangkalye

Wednesday, September 13, 2006

Mga kontrata na pinapasok ng Gobyerno

Maraming proyekto ang ginagawa ng ating pamahalaan maging local man o nasyonal. Sa bawat proyekto, may kontrata ring dapat pasukin at dito nagkakaroon ng mga anomalya.

Maraming mga anomalya ang maaring gawin ng mga tao sa gobyerno! ewan ko ba kung bakit maraming gustong magkamal ng pera na galing sa masama!

Over Pricing! Ito ang malimit na mangyari!
Bakit? Kasi maraming nakakalusot sa ganitong paraan… ito ang pangungurakot na dadaan sa mga pribadong tao. Ang mangyayari, i-a-award ng gobyerno sa isang kontratisa ang kontrata tapos doon magyayari ang “isang magandang usapan”. Sa isang malaking pondo, ipagpalagay nating ¼ ang makukuha ng kontratista at ¼ din ang makukuha ng pulitiko. Magiging malinis ang pera! Kasi dumaan ito sa isang pribadong kontratista o kumpanya.

Ang maapektuhan ay ang kalidad ng proyekto! sa dahilang mababang kalidad ng mga materyales ang ginagamit! At wala pang ilang taon nasisisra na agad!

Minsan sa pag-a-award pa lang ng kontrata ng diumano ay “nagkaroon ng bidding”, nagkakaroon na ng anomalya!

May bidding nga kaso isang kumpanya lang naman ang pinapasok o marami ngang kumpanya kaso dummy lang!

Ang ikinasasama ng loob ko! O maging sa mga nakakaalam… lalabas ang mga anomalya kapag tapos na ang proyekto! sa madaling salita nagawa na ang proyekto, nakapaglabas na ng pondo tapos di naman pala mapapakinabangan!

May mga ahensya naman tayo ng gobyerno na nagmomonitor katulad ng SEC(sa bidding process), COA(paggamit sa pondo)… at kapag may kaso na ang ombudsman! Kaso parang wala silang silang silbi!

May pag-asa pa tayong tumino… kailangan lang ng matinong pamumuno at isang tabi ang pansaliring mga hangarin.

Hangaring magkamal ng pera galing sa utang sa ibang bansa na binabayaran ng taong bayan! Kahit di pa ipinapanganak ay may utang na!


Utang na talaga!
-batangkalye

Tuesday, September 12, 2006

Espiya ng AFP

Nagkaroon ng pagdinig ang Committee on Human Rights ng Kongreso upang makahagilap ng impormasyon tungkol sa mga biktima ng extrajudicial killing at pagkawala ng mga miyembro ng miletanteng grupo.

IN AID OF LEGISLATION inimbitahan ng komite ang mga opisyal ng Gobyerno at pamilya ng mga diumano’y biktima. Dahil sa MC108 na naglilimita sa mga opisyal ng gobyerno ng dumalo sa mga pagdinig ng Senado at Kongreso, hindi sumipot sa pagdinig sina:

1. Defense Secretary Avelino Cruz and
2. Retired Maj. Gen. Jovito Palparan
3. Presidential Adviser Jesus Dureza
4. National Security Adviser Norberto Gonzales
5. Justice Secretary Raul Gonzalez
6. AFP Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon

Hindi dumalo ang mga nasabing opiyales!
PERO nagpadala naman ng dalawang espiya… na sina Sgt. Julius Seriosa and Sgt. Cirilo Calaycay ng Armed Forces of the Philippines Civil Relations Service

Ang dalawang nabanggit na espiya ay may pumuta sa pagdinig ng komite at nagpanggap na sibilyan na may dalang video camera. Umanin ang dalawa na nagpag-utusan lang sila ng kanilang superior!

Para saan at ano naman kaya nila ang dahilan kung bakit kailangan nilang kunan ang mga pamilya ng biktima?

Lalong magbibigay ng takot at kawalang katahimikan ang pangyayaring iyon sa mga pamilya ng mga biktima!

Mabuti na lang at nahuli at kinumpiska ang kanilang dalang camera! Kung hindi maaring gamitin iyon para maipanakot at maging dahilan upang maggipit.

Anong laro naman kaya ang gusto ng Administrasyong Arroyo-pidal!!!?
Hindi naman natin alam ang kanilang tunay na intesyon pero siguradong nakakabahala ang pag-eespiya!

Maari itong maging dahilan ng pagsikil sa kalayaan at pagsakal sa demokrasya ng mga taong tumutuligsa sa kasalukuyang Gobyerno.

Ano naman kaya ang susunod….? Malalaman din natin yan!

Nakakabahala na talaga
-batangkalye

Monday, September 11, 2006

Patuloy na nagtatagumpay...

Limang taon na ang nakakaraan ng pabagsakin ng mga terorista ang dalawang matatayog na building ng World Trade Center sa New York. Ito na ang pinaka malalang pagsalakay ng mga tererista sa US o marahil sa buong mundo… nagtagumpay sila sa madaling salita!

Nagbigay at nagbukas ang pangyayaring iyon sa ating mga kamalayan na hindi na safe ang mundo kung di tayo kikilos upang mapigilan ang kanilang mga masasamang balakin.

Ang 9/11 terror attacked din ang nagbigay ng lisensya sa US upang salakayin ang mga bansang noon pa man ay sumusuporta na sa mga terrorist connections… di dapat pero makapangyarihan talaga sila, walang makapigil kahit UN!

Kailangan talaga ng US na makabawi…

Nakakalungkot… pero makatotohanan na PATULOY pa ring nagtatagumpay ang mga terorista…

bakit?
Nabigay sila ng takot sa ating mga puso, tinanggal ang katahimikan sa ating mga pag-iisip lalo na sa mga lider ng ibat-ibang bansa…

Pinigil ang paghahatid ng mga pangunahing pangangailangan sa mga taong bayan! Bakit uli?
Kasi imbes na ilaan ang pondo sa mga tao at sa kanilang mga pangunahing pangangailangan e napupunta na lamang sa kampanya laban sa terorismo!

Nagtagumpay sila… at patuloy na nagtatagumpay!
Hanggang kailan? Yan ang katanungan…


Mapigilan na sana
-batangkalye

Tuesday, September 05, 2006

Trip to US

Maraming mga kababayan natin ang naghahangad na makaranas ng magandang pamumuhay.
Ang mga Pilipino ay sana’y sa hirap at kung bibigyan ng pagkakataon upang makatakas sa paghihirap na ito, siguradong sasakmalin agad yon!

Alam nating mga Pilipino na mahirap makamtan ang kaginhawahan sa buhay sa mga panahong ito. At ang iniisip ng iba ay mangibang bansa… isa sa destinasyon na sa karamihan ay nais mapuntahan ay ang America, sa US!

Ang hangad at ang gagawin sa US?
Maging disiplinado, makapagtrabaho, makaipon ng pera, makapamuhay ng masagana at tahimik. Sa mga nabanggit! Kayang-kaya ng Pinoy yan! Yun nga lang sa ibang US at hindi dito sa Pinas!

Magkumpara tayo, pero lagyan natin ng konting twist…
Senaryo: Bibigyan ng malaking malaking malaking pera ang mga Pinoy… para makatakas sa kahirapan, destinasyon: US.

Mga Pinoy 1:
Pagkatanggap ng pera, itong mga Pinoy na ito ay walang sinayang ng sandali. Kumuha agad ng passport, nag-apply ng US Visa(nahintay hanggang sa ma-aprobahan), bumuli ng ticket sa eroplano.

At sa maikling panahon, walang paligoy-ligoy, direcho agad sa US! New York! Susyal!

Mga Pinoy 2:
Pagkatanggap ng pera, itong mga Pinoy na ito ay walang sinayang ng sandali. Kumuha agad ng passport, nag-apply ng US Visa(nahintay hanggang sa ma-aprobahan), bumuli ng ticket sa eroplano.

Itong mga Pinoy na ito, iba ang takbo ng isip… di masyadong nagmadali. Bago dumaretcho ng US(sa New York din, susyal talaga!), nag-libot muna sa iba pang bansa… (aba namasyal pa!), dumaan ng France, Australia, Japan, Singapore at kung saan-saan pa!

Mga Pinoy 3:
Pagkatanggap ng pera, itong mga Pinoy na ito ay walang sinayang ng sandali. Kumuha agad ng passport, nag-apply ng US Visa(nahintay hanggang sa ma-aprobahan), bumuli ng ticket sa eroplano.

Kakaiba itong Pinoy na ‘to, hindi nya ginamit ang passport, Visa at Plane ticket. Ginamit nya ang pera sa mas magandang pamamaraan. Sa laki ng Pera, nagtayo ng mga negosyo, nagbigay ng trabaho sa mga Pinoy, nagpasweldo ng malaki. Ginamit nya ang pera sa kumunidad, ipinaayos ang mga bahay, pinaganda ang kapaligiran, naghimok ng maging disiplinado ang mga tao.

At nagtagumpay mga Pinoy sa magandang hangarin…

Masarap umasa na darating din ang panahon at mangyayari ang ginawa ng “Mga Pinoy 3”. Dahil sa sapat na pera, nakatulong pa sila sa mga ibang tao. Napaunlad ang pamumuhay hindi lang sa kanila pati na rin sa iba.

Hindi man nakarating sa US ang “Mga Pinoy 3” sa paligoy-ligoy na kanilang ginawa… pinagmukhang New York nila ang Pinas. Naging disiplinado ang tao, nagkatrabaho, nagkaroon ng masagana at tahimik na pamumuhay.

Sana maraming “Mga Pinoy 3” pang natitira at simulan na nila ang pag-iisip sa kapakanan ng nakakarami… at pang matagalan


Sana nga
-batangkalye

Monday, September 04, 2006

Sabay-sabay na paglutas

Maraming tao na may krisis sa buhay at ang itinuturing dahilan ay ang kahirapan.

Kawawang “kahirapan” laging nasisisi…

Sa estado ng ating bansa sa ngayon, ano ba ang dapat gawin ng gobyerno at nating mga nagpapasulwedo sa kanila para “mabawasan” ang kahirapan sa ating bansa?

Sabi nila kailangan daw natin ng pera! Oo nga naman kapag may pera ka madali ng mabuhay ng walang kahirap-hirap.

Pero paano tayo magkakaroon ng pera?
Syempre kailangan nating magtrabaho upang kumita ng pera. Kailangan ng gobyerno na lumikha ng maraming trabaho upang marami ang magbanat ng buto.

May trabaho nga,pero mababa naman ang pasahod kulang pang pantustos sa pang-araw-araw na pangangailangan…

ano ang dapat gawin? Edukasyon!
Dapat pagtuunan natin ang edukasyon, dahil mas mataas ang pinag-aralan mas maganda ang trabaho at mas malaki nag sweldo.

Ang dapat gawin gobyerno ay makapagbigay ng magandang edukasyon sa mga tao, tustusan nila ang sambayanan upang makapag-aral.

Para matustusan ng gobyerno ang edukasyon kailangang maglaan ng sapat ng pondo, sa madaling salita PERA.

Kung susumahin nating lahat, umuikot lang ang bawat dahilan.

Pera-Trabaho-Edukasyon-Pera

May sanga-sanga pang dapat pagtuunan ng pansin.

Para makapagtrabaho ng matino kailangan ng PAG-KAIN, kailangan pa rin ng pera!
Para matustusan ng gobyerno ang lahat ng tao, kailangang masolusyunan ang POPULASYON, kailangan ng edukasyon, sa edukasyon kailangan ng pera!

Kailangan na Gobyerno ng pondo sa bawat problema, pero pano magkakaroon ng pondo kung walang buwis buhat sa mga nagtatrabaho?

Gustuhin man nating matanggal ang salitang “kahirapan” di natin ito magagawa kung isa-isa lamang ang pagtutuunan ng pansin

Kailangan ang sabay-sabay na paglutas. Yan ang silbi ng mga ahensya ng gobyerno. Pero ano ang nangyayari? Nangingibabaw ang pangsaliring intensyon sa bawat isa sa atin, kurapsyon sa gobyerno! sakim sa kapangyarihan!

Kailangan nating magtulong-tulong hindi lang pulong-pulong na walang nararating.


sabay tayo
-batangkalye