Pakikiramay

Di nagtagal… at talagang napakabilis, INEMBALSAMO nila agad ito at gumawa agad ng Death Certificate o committee report ang mga Crocodile ng Committee on Justice.
Super speed Railroading daw ika nila… Parang 100kph na proposed train sa kontrobersyal na North Luzon Railway Project.
Sa sobrang bilis, kagabi ay PINAGLAMAYAN ng mga Tongressmen ang death certificate este ang Justice Committee Report upang pagbotohan kung kailangan na talagang i-CREMATE o ibaon sa limot ang impeachment case laban kay Gloria.
Nagkaroon pa ng mahabang pagtatalong EULOGY, bumaha ang kape dahil sa tutulog-tulog at walang interest na Majority Tongressmen. Naglabas pa ng tatlong balot si “Distiguish Gentleman form Pateros” Representative Allan Peter Cayatano at ibinilay sa isang Horrorable Tongressman(ano nga ba ang pangalan nun? Ah basta!)
At sa loob ng 17-oras at sa botong 173-32… tuluyan ng inilibing ng KAMARA ang impeachment case laban kay Misis Arroyo-PIDAL.
Sa IMPYERNO kaya ang punta nun?
Basta ang alam ni JDV: “She(PGMA) was in high heavens”
Talagang ganyan marami ang maka-administrasyon, ika nga nila numbers game e… “jueteng – jueteng” lng yan.
Condolence
-batangkalye